DULING

Ako: oh anong ginagawa mo dito?

Bata: me me me me me me me malalaglag oh.

Ako: me me me me me me? kambing?

Bata: hindi ako bingi.

Advertisements

SOBRE

“Magandang araw po sa inyo. Ako po si Eli, isang hamak na hampaslupa. Ako po ay humihingi ng konting tulong para makabili ng Vans na sapatos. Bale, 2500 po sya pero 500 palang pera ko ngayon. Salamat po.” Sabay abot ng mga sobre.

-iniisip ko sa bus pagkagaling sa SM. tangina.

MONKEY

OO! Isang malaking negosyo talaga muna noon pa ang ESKWELAHAN at HOSPITAL ngayon. Kahit yung mga ahensya ng gobyerno ngayon, puro negosyo talaga.

Pootah! Isa pa, uso pa yung motto na “tangkilikin ang sariling atin”. Eh pootah ang mamahal kahit dito nalang gawa.

TATS

Minsan, parang taboo parin ang pagkakaroon ng tattoo. E lalo naman kapag babae ka.

Kanina, may nakasakay akong magandang babae. Hula ko nasa early 20’s palang sya. Maputi, makinis ang balat, mabango tignan. straight ang medyo brown na buhok tapos mukhang mahinhin. Nagulat ako nung paghawak nya sa bakal na hawakan na nakakabit sa bubong ng jeep, e anlaki ng tattoo nya sa magkabilang braso. Hindi naman turn-off, hindi rin turn-on. Sakto lang. Pinagtitinginan sya ng ibang mga pasahero. Astig nga e. Buti pa sya nakapagpatattoo sya. Gusto ko sana malaman kung bakit sya nagpatattoo. Wala lang. Gusto ko lang.